Sabong Insurance Betting

Bakit natin gagawin ang mag-insurance betting sa ating laban? Wala ba tayo tiwala sa manok natin? Yan ang kalimitan tanong ng mga sabungerong di masyado naiintindihan ang konsepto ng insurance betting.

Read previous tips: Sabong Money Tips

Read next tips: Sabong Farm Tipid Tips


Pero ano nga ba ang insurance betting? Sa simpleng paliwanag, ang insurance betting ay ginagawa para anuman ang resulta ng ating laban, manalo o matalo, ay may siguradong pera tayo na maiuuwi para sa ating pamilya, para sa mga boys natin sa farm at iba pa. Ginagawa ito kung may sigurado na tayong premyo na makukuha dahil champion na ang entry natin o bearing na tayo pachampion.

Ang maaring tanong dyan ay kung legal ba ang insurance betting? Sa malalaking labanan na may malalaking premyo, ang insurance bets ay ipinapaalam sa management bago ang laban. Para sa local na labanan naman, nasa diskarte na ng may entry na champion na o bearing for champion kung mag-insurance bet o hindi.

Paano nga ba natin gagawin ang insurance betting? Halimbawa, dalawang entry ang parehong bearing na pachampion (Entry A, Entry B) at wala ng ibang may tsansa pa na makakuha ng premyo. Ang premyong paghahatian nila halimbawa ay Php 1Million. Kung nagkasundo na ang dalawang entry na hati sa premyo, makakakuha ng tig 500 thousand ang bawat entry manalo o matalo man sa championship fight nila. Pero kailangan may manalo sa kanila sa championship fight para matuloy ang usapan nila na hati. Kung sakali naman pareho sila matalo, mas maraming maghahati sa premyo dahil may ibang runner up or any points na pwede makihati sa premyo.

Sa ganyan sitwasyon, pwede tayo kumuha ng insurance betting. Ganito ang ating gagawin halimbawa maunang mapalaban si Entry A bago si Entry B:

Read next page: Continue to next page



Sabong Videos | Sabong Records | Sabong Kalendaryo | BCBA | BPGBA | Mahiwagang Orakulo | Bloodines Calculator | Sabong TV Guides | Kwentong Sabong | Salpukan NBA | Diary ng Frustrated Kusinera
@EBOKALAEH 2019