Sabong Money Tips

Mahirap kumita ng pera at mahirap din hanapin ang panalo sa sabong. Marapat lamang na gamitin natin sa tama ang ating mga napapanalunan o kinikita sa sabong.

Read next tips: Sabong Insurance Betting


1. Ang sabong ay hindi palakasan ng pusta.

Iba-iba ang kapasidad ng tao. Huwag gumaya sa iba. Pumusta lang ng kaya mong ipatalo. Kahit gaano pa kagaling manok mo, walang kasiguraduhan na mananalo ito sa laban.

2. Wag isusugal o ipupusta ang pera na may pinaglalaanan na gaya ng pang-gastos para sa pamilya.

Mahirap manalo pag ang pera ipupusta sa manok ay gagamitin na sa ibang bagay gaya ng pambayad sa meralco, tubig o pang tuition ng mga anak sa pag-asang baka lumaki pa ito. Kalimitan ay natatalo ang perang iyon kaya iwasan na para wag na pagsisihan sa huli.

3. Magbreed lang at mag-alaga ng manok na pasok sa budget mo.

Kung maliit lang ang iyong lugar, siguraduhin tamang bilang lang ng manok ang aalagaan. Hindi pwedeng pagkasyahin ang 100 manok sa lugar na pang 50 manok lang ang optimal na ilalagay. Masasakripisyo ang health ng mga manok pag nag over crowded sa iyong manukan. Kapag nangyari un, lalo lamang mapapagastos sa gamot para mapagaling ang mga nagkasakit na manok dala ng overcrowding.

4. Gamitin ng tama ang bawat panalo.

Set aside a portion ng panalo para sa pamilya mo, a portion para sa pangangailangan ng iyong farm at a portion para sa investments para lumago pa ang pinanalunan mo at di mastock lang. Hindi lahat ng araw at laban natin ay panalo tayo. Dumadating din ang araw ng tag-malas tayo ika nga. Kung nagamit ng husto ang dating mga napalanunan, ang perang nailagay sa investments ay makakadagdag sa kita para sa iyong pamilya sa panahong wala tayong swerte o wala pang laban. Kabilang sa investments na pwede paglagyan ng panalo o kita sa sabong ay ibang hayop na maaring alagaan gaya ng baboy, baka o kambing.

5. Magdala lamang ng sapat na pera pag pupunta ng sabungan.

Sa mga tumataya sa manok o mahilig pumusta sa trabesiya, siguraduhin wag magdadala ng sobra na pera pag pupunta ng sabungan. Maraming sabungero ang naeenganyo pang ipusta ang tirang pera lalo pa kung napapagtalo sa pag-asang maaari pang makabawi sa talo. Kalimitan ay lalong nauubos ang perang hindi naman nakalaan sa sabong.

6. Matutong makaramdam sa regla ng sabong.

May mga araw na talagang kahit anong gawin natin ay kulang tayo sa swerte sa araw na iyon or in short ay "malas". Pag ganun, matuto tayong magkaroon ng disiplina. Kung di pwedeng iatras ang laban, pumusta lamang ng kaunti. Ang proper mindset dapat ay makabawas ng talo at hindi makabawi sa talo. Kung nagtatrabesiya naman at kung talagang malas ang pili ay tumigil na at sumubok na lamang sa ibang araw. Mas madaling isipin na natalo tayo ng isang libo dahil nagkontrol tayo kesa natalo tayo ng 10 libo dahil nagbakasali pa tayong makakabawi kahit malas tayo.



Sabong Videos | Sabong Records | Sabong Kalendaryo | BCBA | BPGBA | Mahiwagang Orakulo | Bloodines Calculator | Sabong TV Guides | Kwentong Sabong | Salpukan NBA | Diary ng Frustrated Kusinera
@EBOKALAEH 2019